Dating alkalde ng Abra, binawian ng lisensya ng baril

Tinanggalan ng lisensya ng baril ang Philippine National Police at Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) si dating Langi den Abra Mayor Artemio Donato Jr.

Ayon kay FEO Chief Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, pinirmahan niya ang revocation order ni Donato dahil sa kwestyunableng mga dokumento nito sa License to Own and Possess Firearm o LTOPF registrations nito.

Aabot umano sa 15 mga baril ang binawian nila ng lisensya.


Samantala, matapos ang pagbawi ng lisenya ng basril kay Donato, tiniyak ni Lucas na masusundan pa ang kanilang operasyon.

Aalamin din nila ang mga kasalukuyan at dating mga pulitiko na paso na ang lisensya ng baril at may mga kwestyonableng dokumento.

Facebook Comments