Pagguho ng bahagi ng Bundok kaninang umaga, Naitala sa Mayoyao at Aguinaldo, Ifugao

*Cauayan City, Isabela*- Sinimulan na ang clearing operations ng Mayoyao-Aguinaldo Road sa nangyaring pagguho ng ilang bahagi ng bundok sa Sitio Choyong, Brgy. Chumang, Mayoyao, Ifugao kaninang umaga.

Ayon kay PSSg. Jenilyn Mawili ng Mayoyao Police Station, wala namang naitalang malaking pinsala sa mga kabahayan kaya’t nananatiling maayos ang sitwasyon sa lugar.

Dagdag pa nito na panaka-nakang pag uulan ang nararanasan sa kanilang bayan dulot ng bagyo.


Patuloy naman ang kanilang monitoring sa mga lugar na posibleng pagmulan muli ng landslide.

Samantala, ayon kay Patrolman Abel Enkiwe ng Ifugao Police Provincial Office, passable na ang Ta-Ang Road sa Bayan ng Aguinaldo matapos na gumuho ang lupa at hindi madaanan ang nasabing lansangan kaninnag umaga.

PhotoCourtesy: Mayoyao Puliststation

Facebook Comments