Pagguho ng Lupa at Pagbaha, Nararanasan sa Cagayan; Ilang Alagang Hayop, Namatay

Cauayan City, Isabela- Nakakaranas ngayon ng pagbaha at pagguho ng lupa ang ilang bayan bunsod ng patuloy na nararanasang pag-uulan sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa kuhang larawan ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), makikita ang pagguho ng lupa sa ilang lugar sa bayan ng Claveria kung saan nababalot ng putik ang ilang pangunahing kalsada dahilan para hindi umusad ang daloy ng trapiko sa lugar.

Lubog naman ang karamihan sa mga kabahayan sa Claveria maging ang ilang naaning palay ay nalubog sa tubig dahil sa hindi inaasahang pag-uulan ng mga residente sa lugar.


Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO Sanchez Mira sa mga oras na ito para sagipin ang ilang residente na naglilikas ng mga alagang hayop makaraang abutan sila ng mataas na lebel ng tubig sa ilog na bahagi ng Brgy. San Andres, Sanchez Mira.

Sa ngayon ay nasa 14 na barangay na kinabibilangan ng Centro 1 ,4, 5, 8 ,7, Cadcadir, Luzon, Taggat Sur, Tabbugan, ilang bahagi ng San Antonio, Santa Marian, Capannikian, Nagsabaran at Lablabig sa bayan ng Claveria ang apektado ng pagbaha.

Nagsasagawa na rin ngayon ng clearing operations ang DPWH 2nd Engineering District dahil sa ilang daan sa mga oras na ito ang apektado ng malawakang pag-uulan.

Samantala, ikinalungkot naman ng ilang may-ari ng mga alagang hayop gaya ng kalabaw at baka ang nangyaring pagkamatay ng mga alagang hayop dahil sa malawakang pag-uulan.

Facebook Comments