Pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pag-ulan, ibinabala ng NDRRMC

Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko dahil sa posibilidad nang pagguho ng lupa.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng habagat, patuloy na nababasa ang mga lupa dahilan nang paglambot nito.

Aniya, lubhang delikado ang mga lugar sa Luzon na sinalanta ng Bagyong Egay na una nang nakaranas ng pagbaha.


Kaya payo nito sa mga residente, lumikas upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay o anumang insidente.

Nananatili sa Red Alert status ang NDRRMC at nananatiling mino-monitor ang sitwasyon.

Sa ngayon, 151 lungsod at bayan na sa Luzon ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsalang dala ng Bagyong Egay at Habagat.

Facebook Comments