PAGGUNITA NG EID’L ADHA SA BAYAN NG MANGALDAN, IDINAOS NG MGA MUSLIM MULA SA IBA’T-IBANG PANIG SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Idinaos ng mga Muslim na mula pa sa sa iba’t-ibang panig sa lalawigan ng Pangasinan ang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw ng Miyerkules, June 28 sa bayan ng Mangaldan.
Ang Eid al-Adha, madalas na tinutukoy bilang ang Feast of Sacrifice, ay isang makabuluhang Islamic holiday kung saan ginugunita nito ang kuwento ng hindi natitinag na pananampalataya ni Propeta Ibrahim, na handang isakripisyo ang kanyang anak na si Ismail sa utos ng Allah.
Nagpakita rin ng pakikiisa sa pagdaos nito ang iba’t-ibang tanggapan ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan sa kanilang mga nasasakupang kababayang mga Muslim.

Samantala, opisyal ding idineklara ni Pangulong Marcos, Jr. bilang isang pambansang holiday sa pamamagitan ng Proclamation No. 258 upang markahan ang kahalagahan ng okasyong ito. |ifmnews
Facebook Comments