ISANG LOLA MULA SA DAGUPAN CITY, NABIYAYAAN NG CENTENARIAN CASH, KILALANIN

Ikinatuwa ni Lola Virginia Mora Palaganas at ng kaniyang pamilya ang iniabot na Centenarian cash incentive na 100,000 pesos mula sa DSWD at 20,000 pesos na financial assistance na regalo naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan nito lamang June 27 ngayong taong 2023.
Si Lola Virginia ay tubong Barangay Pogo Chico at ipinanganak noong May 21, 1923. Ayon sa kanilang mga anak, natutuwa sila at nagpapasalamat dahil umabot pa sa 100 years old ang kanilang ina dahil mahalaga sa kanila ang pagmamahal at pagbibigay importansya sa mga magulang at sa mga nakakatanda. Isa iyan sa turo ni Lola Virginia.
Samantala, itinurn-over ang nasabing Centenarian cash sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Dagupan, kasama rin ang kinatawan mula sa National Commission of Senior Citizen at DSWD sa pamilya Palaganas at personal nilang iniabot kay Lola Virginia.

Ilang daang taon pa man ang lumipas, tandaan nating lahat na dapat pangalagaan niyo ang inyong sarili at bigyan ng halaga ang buhay ng ipinagkakaloob sa atin araw-araw. |ifmnews
Facebook Comments