Paggunita ng ika-75 anibersaryo ng Battle of Manila, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno

Ginugunita ngayong araw Pebrero a-tres ang ika-pitumpu’t limang anibersaryo ng “Battle of Manila.”

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtitipon na ginanap sa Freedom Triangle sa Manila City Hall.

Dumali sa naturang event ang mga ambassador, gaya nina Ambassadors Sung Yong Kim ng US, Huang Xilian ng China, Steve Robinson ng Australia, Gerardo Lozano Arrendondo ng Mexico at Daniel Robert Pruce ng UK.


Ang mga war veterans na miyembro ng Veteran Federation of the Philippines ay kasama din sa pagtitipon.

Nagkaroon muna ng flag raising ceremony na sinundan ng wreath laying o pag-aalay ng mga bulaklak at sinundan ng 21-gun salute.

Kasama sa mga nag-alay ng wreath ay si Lieutenant  General Antonio Lim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga opisyal ng National Historical Commission of the Philippines.

Ang Battle for Manila ay parte ng kasaysayan dahil isa itong malaking giyera sa pagitan ng Pilipinas at Amerika laban sa mga hapon kung saan Umabot ito ng isang buwan, na nag-iwan ng libu-libong nasawi at pagkasira ng Maynila.

Facebook Comments