General Santos City, naging mapayapa ang paggunita ng kuaresma dito sa Gensan, ito ang inihayag ni Police Lt. RENATO Dunca, Spokesperson ng General Santos City Police Office.
Ayon kay Dungca na wala silang naitalang malalaking insidente kasabay ng selebrasyon ng Semana Santa dito sa Gensan maliban lang sa iilang kaso ng pagnanakaw.
Samantala kahit nakasentro ngayon sa pagbabantay sa seguridad ang PNP Gensan dahil sa Oplan Summer Vacation, hindi nila isinantabi ang paghahabol sa mga involved sa mga illegal activity kagaya ng illegal drugs, illegal gambling at smuggling.
Sinabi ni Dungca itoy dahil narin sa mga ganitong pagkakataon sinasamantala ng mga involved sa mga illegal na aktibidad ang pagkakataon na busy ang PNP sa pagbabantay sa seguridad para gawin nila ang kanilang mga iligal na gawain.
Napag-alaman na kasabay ng selebrasyon ng Cuaresma dito sa Gensan iilang drug pusher at illegal gambler ang nasakote ng Gensan City PNP sa kanilang sunod sunod na operasyon.