MRT-3 ,makikipagpulong sa mga  opisyal ng DOTr, Sumitomo-MHI-TES Philippines, ADB at CB&T

Makikipagpulong ngayong araw ang MRT-3 management  mga  opisyal ng DOTr, Sumitomo-MHI-TES Philippines, Asean Development Band  at ang kumpanyang CB&T para sukatin ang nakamit sa isang linggong maintenance shutdown ng train system.

Kabilang sa mga tinatalakay ay ang gagawing joint inspection sa kahabaan ng MRT-3 bukas ng umaga kasunod ng mga isinagawang rail grinding activity sa riles ng tren.

Ang naging maintenance shutdown ng tren nitong Semana Santa ay bahagi ng pagpapabuti ng serbisyo at mga pasilidad ng MRT-3.


Ito ay bahagi ng mas malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng kabuuan  sistema ng MRT-3.

Facebook Comments