MANILA – Idineklara ng Philippine National Police (pnp) na generally peaceful ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, kahit may naitalang aksidente ay wala namang malaking kaguluhan o pananabotahe kasabay sa aktibidad ng Semana Santa.Sa kabila ng pagtatapos ng Mahal Na Araw ay naka-deploy pa rin ang mga tauhan ng PNP sa mag terminal at pantalan dahil sa pagbabalik ng mga commuters na nagbakasyon mula sa mga probinsya.Kaugnay nito, tiniyak ng Malakanyang na nananatiling naka-heightened alert ang bansa laban sa anumang banta sa seguridad kasunod ng terorismo sa Belgium at Iraq.Kasabay nito, tiniyak ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma ang kaligtasan ng publiko na inaasahang magbabalik-trabaho ngayong araw.Dagdag pa niya, ang mga ginagawang hakbang ng mga otoridad ay matagal na ring isinasagawa kung saan lalo lamang pinaigting ngayon.Kabilang sa mga tinukoy na binabantayang lugar sa ngayon ay ang mga pantalan, paliparan at iba pang terminal na inaasahang daragsain ng publiko.
Paggunita Ng Semana Santa Sa Buong Bansa, Payapa Ayon Sa Philippine National Police
Facebook Comments