Paggunita ng Semana Santa sa South Cotabato, naging mapayapa pero dalawang bata, sugatan sa pangho-hostage ng sariling ama

Koronadal, Philippines – Naging mapayapa angpaggunita ng Semana Santa sa buong lalawigan ng South Cotabato ngayong taon.
 
Ito ang kinumpirma ni Police Sr. Supt. FranklinAlvero Police Provincial Director ng South Cotabato PPO matapos na walangnaitalang malaking insidente sa nakalipas na mga araw.
 
Maliban na lamang sa ginawang panghohostageng sariling ama sa dalawang anak nito noong Huwebes Santo sa purok 13, barangayPolonoling, Tupi nitong lalawigan.
 
Ngunit ayon kay Alvero masasabing isolatedang nasabing insidente dahil problema sa pamilya ang nag-udyok sa suspek nakinilala kay John Fritz Betonio Escalada, 44-anyos upang gawin angpanghohostage sa dalawang anak.
 
Sa ngayon nagpapagaling na sa hospital ang6-anyos at 10 taong gulang na mga biktima na nagtamo ng sugat sa iba`t-ibangbahagi ng kanilang katawan matapos saksakin ng sariling ama.
 
Samantala, nanatiling nakaalerto ang kapulisandahil sa posibleng pagdagsa pa rin ng mga bisita sa mga tourist destination nglalawigan ngayong summer vacation.

Facebook Comments