Mahigit 100, patay sa bus bombing sa Syria

World – Umakyat na sa 126 ang namatay sa bus bombing sa bayan ng Fuaaat Kafraya sa Syria.
 
 
Ayon sa UK-based Syrian Observatory for Human Rights, kabilang samga namatay ang 68 na mga bata na mga evacuees sa nabanggit na bayan.
 
 
Ang pag-atake ay isinagawa sa pamamagitan ng isang sasakyan na maykargang pampasabog sa convoy ng mga bus malapit sa Aleppo.
 
 
Wala pang umaako ng nasabing insidente.
   

Facebook Comments