Paggunita ng Undas at mga selebrasyon sa Christmas season, posibleng magdulot ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 ayon sa isang infectious disease expert

Sa kabila ng bumababang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), Batangas Laguna at Bulacan.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert sa Laging Handa briefing na dapat mabantayan ang galaw ng mga Pilipino sa paggunita ng Undas at mga pagtitipon sa Christmas season dahil posible aniya itong maging dahilan nang muling pagtaas ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Solante, dapat na mas sumunod pa rin sa health protocols, magbakuna at booster shot.


Iginiit rin ni Solante na mayroon pa ring quarantine protocols sa kabila na marami na ang nabakunahan at bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi nito na kapag ang isang indibidwal na bakunado na exposed sa confirmed case ay magka-quarantine ng limang araw.

Pero kapag may booster shot at walang sintomas matapos ma expose sa confirmed case ay hindi na kailangang mag-quarantine.

Kapag may mild symptoms naman at may booster shot 5 hanggang 7 araw dapat na mag-quarantine.

Ngunit kung walang bakuna at may mild symtomps, aabot sa 10 days ang quarantine

Facebook Comments