Mahigit 10,000 pulis, ide-deploy ng NCRPO sa Metro Manila sa Undas

Naglatag na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng seguridad na ipapatupad sa Undas.

Kabilang sa paghahanda ang mga ilalagay na mga mobile police outpost sa mga sementeryo.

Ayon kay NCRPO Spokesman Col. Dexter Versola, nakikipag-ugnayan na sila sa militar, Local Government Unit (LGU), barangay officials at iba pang force multiplier para sa ipapatupad na seguridad.


Sa ngayon, mayroon nang 7 mobile police outpost na inilagay sa mga establisimiento sa Pasay City pero sa panahon ng Undas ililipat ito sa mga sementeryo upang magbantay 24/7.

Mahigit 10,000 na mga pulis ang ipapakalat ng NCRPO sa mga sementeryo sa Metro Manila sa Undas.

Facebook Comments