Sa ating panayam kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, mula nang maideploy ang mga kapulisan sa mga sementeryo at sa iba pang lugar na dinadagsa ng mga tao sa Lungsod ay wala naman aniya silang natanggap na ulat na may kaugnayan sa Undas.
Dahil aniya ito sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang law enforcement agencies, barangay officials at mga force multipliers.
Maliban lamang aniya sa ilang naitalang minor vehicular incidents na kinasasangkutan ng mga kabataan kung saan ilan sa mga ito ay nakainom ng alak, walang helmet at walang ilaw.
Kaugnay nito, para maiwasan ang aksidente sa daan ay paiigtingin pa aniya ng pulisya ang isa sa kanilang best practices na Project Kalsada sa mga motorista lalo na sa mga namamasada.
Taon-taon umano ang pagtatalaga ng PNP ng Police Assistance Desk sa tuwing Undas para mabantayan at maiwasan ang anumang krimen sa mga sementeryo at lansangan.
Nagpapasalamat naman si PMaj. Galiza sa publiko sa pagsunod sa mga ipinatupad na guidelines at protocols sa paggunita ng Undas.
Umaasa naman ito na magpapatuloy ang maayos at payapang sitwasyon ng Lungsod ng Cauayan kahit na matapos ang Undas.