Paggunita sa ika-75 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, pangungunahan ni Pangulong Duterte sa Mt. Samal National Shrine Pilar Bataan

Manila, Philippines – Papangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mt. Samal National Shrine Pilar Bataan.

Ito na ang ika-75 na pag-alala sa kagitintan ng mga beteranong sundalong Pilipino na nakipaglaban sa mga sundalong Hapon.

Alas nueve ngayong umaga inaasahang ang pagdating ni Pangulong Rodrigo para sa pag-aalay ng bulaklak, kasama ang ambassador ng Japan at ng America.


Kung maalala, 1942 nang bumagsak sa kamay ng mga hapon ang Bataan, na tinawag na Fall of Bataan.

78k na mga sundalong Pilipino at Amerikano ang naging bilanggo ng mga Hapon.

Kasunod nito, libo-libo ang namatay matapos sapilitang pag lakarin ng limang araw ang mga bilanggong sundalo mula bataan hanggang sa San Fernando, Pampanga.
Nation”, DK Zarate

Facebook Comments