Paghablot ng riding-in-tandem sa cellphone ng isang estudyante, huli sa CCTV

163

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang paghablot ng riding-in-tandem sa cellphone ng estudyante sa España, Maynila.

Sa video, tila may inaabangan ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at paiba-iba sila ng pwesto.

Nagte-text noon habang naglalakad sa lugar kasama ang mga kaibigan ang biktimang itatago sa pangalang ‘marco’ nang biglang hablutin ito ng mga suspek.


Ayon kay barangay 469 zone 46 chairwoman Celia Teodoro – madalas ang snatching sa university belt at karamihan sa mga nabibiktima ay mga estudyante.

Babala naman ni university belt area police commander, Chief Supt. Ramon Nazario, iwasang gamitin ang anumang gadgets sa mga mataong lugar.

Ipina-alala rin ni Nazario na kapag nabiktima ng mga kawatan ay huwag mag-atubiling magsumbong sa mga pulis.



Facebook Comments