Driver at pedestrian, nagrambulan sa Marikina City

61

Manila, Philippines – Nauwi sa rambulan ang paghaharap ng isang driver at ng isang pedestrian sa barangay Nangka, Marikina City.

Sa kuha ng CCTV, masikip ang daloy ng trapiko sa lugar nang tumawid ang isang mag-ama sa pedestrian lane.

Ilang sandali ay muntik na silang mahagip ng isang pick-up na agad namang nakapreno.


Nag-init tuloy ang lalaking pedestrian kung saan dinuro-duro nito ang driver.

Ayon sa driver – nang pagkabukas niya ng bintana ng sasakyan ay biglang dinuraan siya ng lalaki.

Sinabi naman ni barangay Nangka tanod team leader Marcelino Tolentino – habang papunta sa barangay ay nagtawag ng resbak ang lalaking pedestrian at pinagtulungang bugbugin ang driver.



Nagka-ayos naman ang dalawa sa barangay.

Paalala ng mga otoridad, huwag pairalin ang init ng ulo sa kalsada para hindi mapagsimulan ng gulo at disgrasya.


Facebook Comments