Paghahain ng Certificates of Candidacy, hindi pa rin isasagawa online – ayon sa COMELEC

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi pwedeng ihain sa pamamagitan ng online ang Certificates of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kailangang personal pa rin itong isumite kagaya ng nakagawian.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Jimenez na ginagawa ng COMELEC ang lahat para makapag-adjust ngayong nasa gitna pa rin tayo ng COVID-19 pandemic.


Kabilang dito ang paghahain ng COC ng mga tatakbo sa national position na hindi na kakailanganing magtungo pa sa COMELEC main office dahil na rin sa maliit na espasyo.

Samantala, magsisimula ang filing ng COCs sa October 1 hanggang October 8.

Facebook Comments