Paghahain ng impeachment case laban sa Pangulo, hindi maituturing na unlawful act – DOJ

Manila, Philippines – Dumistansya si Justice Secretary Menardo Guevarra sa pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na handa silang arestuhin ang mga magtatangkang maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Guevarra na sa kanyang pananaw, kailangan pa ring masunod ang “rule of law.”

Aniya, ang sinumang aarestuhin ay kailangan pa rin ng warrant of arrest.


Ayon pa kay Guevarra, hindi maituturing na unlawful act o paglabag sa batas ang paghahain ng impeachment complaint.

Nauna nang naungkat ang usapin ng impeachment laban kay Pangulong Duterte dahil sa naging pahayag nito na papayagan ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments