Manila, Philippines – Hindi natuloy ang nakatakdangpaghahain sana ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredodito sa Kamara.
Ayon kay Atty. Bruce Rivera kinakailangan munang maykongresista na mag endorso ng impeachment complaint bago ito ihain sa tanggapanng house secretary general.
Kabilang sa grounds for impeachment ayon kay Rivera aygraft and corruption, culpable violation of the constitution, at betrayal ofpublic trust.
Ala una ng hapon sinasabing ihahain ang impeachmentcomplaint pero inabot na ng alas kwatro ng hapon ay hindi parin ito naihahainsa tanggapan ng Sec. Gen.
Paliwanag ni Rivera dahil wala pang endorsement ayidinerecho muna nila ito tanggapan ng kongresistang mag eendorso ng reklamo.
Tumanggi naman si Rivera na tukuyin ang nasabing mambabatasdahil kailangan pa nito ng sapat na panahon para pag aralan ang reklamo.
Samantala, nilinaw naman ni PBA Partylist Rep. JerichoNograles na wala syang nalalaman tungkol sa nasabing impeachment complaintlaban kay Robredo.
Nagtataka umano si Nograles kung paanong nadawit angkanyang pangalan bilang endorser umano ng nasabing reklamo.
Paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Leni Robredo, hindi natuloy sa Kamara
Facebook Comments