Paghahain ng kaso kay Pangulong Duterte, bahagi lamang ng destabilisasyon ayon sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Todo pagtatanggol ang mga kongresistang maka-administrasyon para kay Pangulong Duterte sa inihaing reklamo sa International Criminal Court ni Atty. Jude Sabio laban sa Punong Ehekutibo.

Naniniwala si Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na ito ay bahagi ng destabilisasyon laban sa Pangulo.

Pag-aaksaya lamang umano ng panahon ang reklamo ni Sabio dahil wala itong basehan.


Pakay lamang ng abogado na patuloy na siraan si Duterte hanggang sa international community at humatak ng simpatya para pahinain ang solidong suporta pa din ng nakararaming Pilipino dito.

Halatang-halata, aniya na may mapeperang indibidwal at organisadong grupo ang nasa likod ni Sabio at ng kliyente nitong si Edgar Matobato na gustong pabagsakin ang administrasyon.
DZXL558

Facebook Comments