Paghahain ng kaso laban kay SPO4 Lascañas, kinondena ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Antonio Trillanes IV ang paghahain ng Davao City Prosecutor’s office ng kasong murder at attempted murder laban kay retired SPO4 Arturo Lascañas.

Basehan ng umano ng kaso ang testimonya ni Lascañas sa pagdinig ng Senado na ayon kay Trillanes ay hindi naman pinaniwalaan ng karamihan sa mga senador.

Giit ni Trillanes, kung pinaniniwalaan Davao City Prosecutors ang pahayag ni Lascañas sa senate hearing ay dapat kasamang kinasuhan ang iba pang sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Jun Pala.


Tinukoy ni Trillanes sina Pangulong Rodrigo Duterte, Sonny Buenaventura at Jim Tan.

Giit ni Trillanes, ang nasabi hakbang ay malinaw na legal harassment at pag-abuso sa kapangyarihan ng Duterte administration na ang layunin ay patahimikin si Lascañas sa pagtestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa alinmang legal forum.

Binanggit pa ni Trillanes na walang naging due process para kay Lascañas dahil hindi ito pinagsumite ng counter affidavit at hindi man lang pinadalhan ng notice ang Free Legal Assistance Group o FLAG na syang kumakatawan kay Lascañas.
DZXL558

Facebook Comments