Paghuhuli sa mga tinted na sasakyan, hindi pa sinisimulan ng LTO

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng LTO Law Enforcement Service na hindi pa sila nagsisimula manghuli ng mga tinted na mga sasakyan.

Ayon kay LTO Law Enforcerment Service Director Francis Ray Almora walang pang direktiba mula sa DOTr para maglunsad ng operasyon sa mga sasakyan na tinted at hindi nakikita kung sino ang sakay ng loob nito.

Paliwanag ni Almora, kamakailan lamang ay sinimulan nila ang pagtatanggal ng tinted sa kanilang mga mobile patrol upang hindi mabahiran at mapuna ng publiko na maging sila ay hindi tumatalima sa kanilang ipatutupad na kautusan.


Giit ni Almora na malalaman agad ng publiko kung kailan ang eksaktong araw nila ipatutupad ang pagbabawal sa mga sasakyan na tinted at hindi nakikita ang mga sakay nito.
DZXL558

Facebook Comments