Paghahain ng kaso laban sa mga nasa likod ng P6.4 B shabu mula sa China, pinapamadali ni Senator Angara

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara sa pamahalaan na madaliin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa pagpasok sa bansa ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing sa china na nakalusot sa bureau of customs.

Dismayado si angara, dahil lumalabas sa imbestigasyon ng senate blue ribbon committee na mayroong krimen pero walang kriminal na nasasampahan ng kaso hanggang ngayon.

Ang nabanggit na 604 kilos of shabu ay nakumpiska sa dalawang warehouse sa valenzuela city sa pamamagitan ng raid na magkatuwang na isinagawa ng Bureau of Customs, Northern Police District, Philippine Drug Enforcement Agency, at National Bureau of Investigation noong 26.


Bilang isang abogado ay nagaalala din si angara na baka sa bandang huli ay mabasura lang ang kasong isasampa kaugnay nito dahil ilegal ang pagsasagawa ng search and seizure dito.

Ipinaliwanag ni Angara na sa halip na search warrant at warrant of seizure and detention, ay letter of authority lang ang ginamit ng Customs para i-raid ang warehouse.

Sa pagdinig ay sumang ayon kay Angara si NBI Deputy Director for Investigation Services Vicente De Guzman sa pagsasabing na ang letter of authority ay hindi maaring itumbas sa search warrant.

Facebook Comments