Paghahain ng mga panukalang batas at resolusyon sa Senado, magsisimula na sa Lunes

Sa Lunes, July 4, ay inaasahang magsisimula ng maghain ng mga panukalang batas at resolusyon ang 24 na senador ngayong 19th Congress.

Base sa patakaran, unang makakapag-file ang pinaka-senior o pinakamatagal na nanilbihan bilang senador.

Pinaka-senior ay si Senator Loren Legarda na 18 taon na naging senador bago ang kaniyang pagbabalik ngayon.


Kasunod niya ang mga naka-15 taon na sa senado na sina Senators Pia Cayetano, Lito Lapid at Bong Revilla Jr., at ang mga naka-12 taon na sina Senators Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero at Jinggoy Estrada.

Draw lots o raffle naman ang pila para sa iba pang senador.

Pinakahuli sa pila ang tatlong baguhan na sina Senators Robin Padilla, Raffy Tulfo at Mark Villar.

Nasa guidelines din na magkakaroon ng tatlong rounds para sa paghahain ng panukalang batas at resolusyon at sa ikatlong round ay “first come-first served basis” na.

Facebook Comments