Sinagot ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang paghahamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pangalawang pangulo ng debate ukol sa mga isyu sa West Philippines Sea.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez na ang lakas ng loob ni Roque na maghamon gayung sila ang unang umatras sa hamong debateng ibinato sa kanila.
Mas makabubuti aniya na pagtuunan ng pamahalaan ang pagtugon sa pandemya dahil nag-aaksaya lamang sila ng oras.
Sa Malacañang briefing kahapon, hinamon din ni Roque si VP Robredo ng debate dahil sa pagbatikos niya sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa West Philippines Sea.
Una nang sinabi ni Robredo na makakatulong sanang maliwanagan ang publiko sa mga isyu kung natuloy lamang ang debate sa pagitan nina Pangulong Duterte at dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.