Iginiit ng mga Senador na hindi nararapat na magsisihan pa kaugnay sa pagputok ng Bulkang Taal.
Diin ni Senate President Tito Sotto III, sa halip na magsisihan at maghanapan ng butas ay mas mainam na magtulungan at dalasan pa ang pag-darasal.
Para naman kay Senator Panfilo Ping Lacosn, walang naging pagkukulang ang PHILVOLCS at kuntento siya sa monitoring nito at updates na inilalabas ukol sa Bulkang Taal.
Kinontra din ni Lacson ang ideya ng pagsasagawa ng imbestigasyon dahil mas mainam aniya na hayaan ang PHILVOLCS at iba pang kinauukulang ahensya na gawin ang kanilang trabaho.
Nagpapasalamat din si Lacson na walang namatay kaugnay sa pag-aalburuto ng bulkan.
Si Senator Sherwin Gatchalian naman ay kuntento sa ginawang pagtugon o pagbibigay ng tulong ng national government sa mga biktima ng pagputok ng bulkan.
Pangunahing tinukoy ni gatchalian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad rumesponde at nagtakda ng mga evacuation centers.