Resulta ng imbestigasyon ng PNP-SOSIA sa Resorts World Manila attack – inilabas na; mga guard on duty nang mangyari ang insidente – sibak sa pwesto

Manila, Philippines – Inilabas na ng Philippine National Police-Supervisory Office For Security And Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang resulta ng imbestigasyon nila kaugnay sa Resorts World Manila attack.

Batay sa resulta ng imbestigasyon, inirekomenda na sibakin ng NC Lanting Security Specialist Agency ang lahat ng guwardiya na on-duty nang mangyari ang pag-atake ng gunman na si Jessie Carlos sa RWM noong June 2.

Nakitaan din ng PNP-SOSIA ng pagkukulang sa ipinatupad na seguridad ang mga guwardiya kung saan isang lamang ang nakatalaga sa 2nd floor retail parking entrance ng RWM.


Binigyan diin pa ng report ang kakulangan sa training at security plan ng mga guwardiyang nakatalaga sa hotel.

Sa nasabing pag-atake, 38 ang nasawi, kabilang na ang suspek na nagsunog at nagbaril sa sarili.
DZXL558

Facebook Comments