Paghahanap sa debris ng umano’y bumagsak na aircraft sa Romblon, inihinto na

Romblon – Inihinto na ang paghahanap ng debris sa umano’y bumagsak na aircraft sa Romblon.

Ayon kay PNP Provincial Director Sr. Supt. Leo Quevedo, walang nakitang senyales ang search and rescue team na may aircraft na bumagsak sa pagitan ng Barangay Agbayi at Barangay Binongaan, San Agustin, Romblon.

Ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines at Philippine Airforce ay hindi rin knukumpirma ang impormasyon.


Sinabi ni Quevedo na kung sakaling totoo nga ang impormasyon, may kamag-anak na sana ang tumungo sa pulisya para i-report ang pagyayari pero hanggang alas 6 ng gabi ay walang natatangap na report ang PNP.

Sa ngayon, pag-uusapan pa nila kung itutuloy bukas ng umaga ang paghahanap sa debris ng aircraft upang malaman kung totoo o hindi ang impormasyon.

Una nang iniulat ng PNP ang umano’y pagbagsak ng isang aircraft sa isang lugar sa Romblon matapos na i-report ito ng tatlong resdente sa lugar.

Facebook Comments