Halos 900 Flights Ng Lufthansa Airlines Ng Germany – Kakanselahin Dahil Sa Kilos Protesta Ng Mga Empleyado Ng Paliparan

18

LUFTHANSA AIRLINES, GERMANY – Halos nasa 900 flights ng Lufthansa Airlines sa Germany ang kakanselahin ngayong araw dahil sa inaasahang kilos protesta na gagawin ng mga empleyado ng paliparan.Apektado rito ang 87,000 na pasahero at 895 lufthansa flights dahil sa protesta sa Frankfurt, Munich, Duesseldorf, Cologne / Bonn, Dortmund at Hanover airports.Isasagawa ng verdi members na nagta-trabaho sa air safety control, ground services sa check-in counters at engineering workshops sa airports ang nasabing strike.Layon ng kilos protesta na mapansin ng local at federal governments ang wage increase na hinihiling ng mga empleyado.Ang strike ay kasunod ng parehong protesta na inorganisa ng mga institusyon kabilang na ang mga ospital, town halls at child care centers.

Facebook Comments