Quezon City – Nasa 162 na pamilya o katumbas ng na 895 na indibidwal ang inilikas na sa may 37 na evacuation centers sa Lungsod ng Quezon bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Ompong.
Kabilang sa mga inilikas ay ang mga residente na nasa low lying areas ng Barangay Sta. Lucia, Roxas, Doña Imelda at Barangay Tatalon.
Putol na rin ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa lungsod.
Isang bahay naman ang nabagsakan ng natumbang punong kahoy sa kanto ng V. Luna Avenue at Kalayaan Avenue.
Ilang lugar na rin ang binaha dulot ng mga pag-ulan na dala ni bagyong Ompong.
Tatlong talampakan na ang baha sa Gumamela Street sa Barangay Roxas at Gutter deep na naman ang nararanasan sa Araneta Victory.
Naka-standby na ngayon ang 186 na search and rescue personnel sa Quezon City para sa maagap na pagresponde sa mga maiipit sa mga pagbaha.