SHOWBIZ | Gerald Anderson, umamin na kasama si Bea Alonzo sa Hong Kong

71

Inamin ngayon ng aktor na si Gerald Anderson na nagkasama sila ng aktres na si Bea Alonzo sa Hong Kong kamakailan lamang.

Ito ay matapos lumabas sa online ang ilang larawan ng dating magkasintahan habang nasa Hong Kong.

Ayon kay Gerald, masaya ang naging bakasyon nila ni Bea kasama ang ilang kaibigan at naroon din daw ang kanyang ama.

Dagdag pa ni Gerald, ilang lugar din ang kanilang napuntahan at na-experience din nila ang ibang culture bukod pa sa masasarap na pagkain.

Matatandaan na nitong Abril lang nang maghiwalay ang dalawa na sinasabing dahil sa pag-tandem sa pelikula ni Gerald kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Facebook Comments