Manila, Philippines – Isinailalim sa 45 araw na aircraft counter hijacking course ang 79 na mga tauhan ng PNP Aviation Security Group sa AVSEGROUP headquarters sa Pasay City. Ayon kay PNP AVSEGROUP Director Police Chief Supt. Dionardo Carlos, layunin ng pagsasanay na itong madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagresolba sa aircraft hijacking incident sa paraang mapayapa o armed intervention bagamat hindi nila ito hinihiling. Ide-deploy aniya ang mga bagong sanay na pulis sa iba’t ibang paliparan sa bansa, at sila ay regular na magdu-duty para anumang oras ay makakaresponde sakaling magkaroon ng aircraft hijacking, Sinabi pa ni Carlos na bilang pagsunod sa direktiba ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, tuloy-tuloy ang gagawing aircraft counter hijacking course sa mga tauhan ng PNP AVSEGROUP sa Metro Manila, Visayas at Mindanao. Ito ay upang mas maraming pang trained personnel ang maide-deploy sa mga malalaking paliparan sa bansa katulad ng NAIA, Macta-Cebu, Clark, Davao, Cagayan De Oro, at Caticlan. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
PAGHAHANDA | 79 na mga tauhan ng PNP AVSEGROUP, sumailalim sa 45 araw na aircraft counter hijacking course
Facebook Comments