PAGHAHANDA | Bawat istasyon ng EPD sasalang sa bombing simulation exercise

Magsasanay ang bawat istasyon na sakop ng Eastern Police District (EPD) particular sa pagtugon bombing incident at terrorism.

Ayon kay EPD District Director Police Senior Superintendent Bernabe Balba, layun nitong masubok at mahasa ang kahandaan ng mga pulis sa banta ng pambobomba.

Makikibahagi sa pagsasanay ang Bureau of Fire Protection Disaster Risk Reduction Management Office Crime Laboratory Traffic Bureau K9 unit, Scene of Crimes Operatives at Explosive Ordinance Division.


Sinabi ni Police Senior Superintendent Balba na importante ang koordinasyon ng bawat isa maging ang mabilisang aksyon na magagawa lamang kung may sapat na kaalamanan.

Una na itong ginawa sa Mandaluyong at San Juan City na ngayon ay nais ipatupad sa bawat istasyon ng EPD.

Facebook Comments