Naghahanda na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Crisis Management Organization (CMO) para sa gagawing full scale security exercise sa NAIA Terminal 3 ngayon umaga.
Ito ay upang i-practice ang mga inilitag na plano at alamin ang kahandaan ng mga concerned agencies sa pagtugon sakaling magkaroon ng terror attack sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal.
Ang NAIA Crisis Management Organization (CMO) ay binubuo ng NAIA Crisis Management Committee (CMC) at Critical Incident Management Task Group (CIMTG).
Ang CMC, na pinangungunahan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal ay isang governing body o namamahala sa paggawa ng strategic decisive actions upang malutas ang bomb explosion crisis.
Sa ngayon wala pang impormasyon kung mayroong isasarang bahagi ng NAIA Complex sa gagawin full scale security exercise.