Manila, Philippines – Nagpakalat ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang 58 immigration officers sa mga paliparan para matiyak ang maayos na serbisyo sa mga biyahero habang at pagkatapos ng mahal na araw.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaprubahan niya ang rekomendasyon kung saan ang mga tauhang nakatalaga sa field offices ay pansamantalang ililipat sa mga paliparan.
Aniya, makatutulong ito para mapaikli ang pila sa mga immigration counters tuwing holidays.
Bukod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagdagdag na rin sila ng pwersa sa mga paliparan ng Mactan-Cebu, Clark, Kalibo at Davao.
Facebook Comments