Manila, Philippines – Ngayong araw isinasapinal na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (COMELEC), ang kategorisasyon ng election hotspot sa bansa.
Ito ayon kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, ay upang maiwasan ang masamang impression o posibleng hindi magandang outcome sa aspeto ng seguridad, kaligtasan at ekonomiya ng mga lugar na mababansagang election hotspots.
Bukod dito, ayon kay Jimenez masyadong malawak ang ginagamit na kategoriyang “areas of concern” at “areas of immediate concern”.
Mula sa kategoriyang ito, papalitan ito, ng kulay na green, yellow, orange and red.
Green para sa mga lugar na generally peaceful o walang problema sa seguridad.
Yellow ay para sa nga lugar na may history ng political disturbances.
Orange ay para sa mga lugar na mayroong presensya ng mga armadong grupo.
Habang ang Red naman ay para sa mga election hotspots.
Ayon kay Jimenez, mas maayos ang color coding categorization na ito, upang mas matutukan ang mga lugar na mas nangangailangan ng atensyon.