PAGHAHANDA | COMELEC, magsisimula na sa Miyerkules sa pagdi-distribute ng poll materials para sa Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Magsisimula na ang Commission on Elections (COMELEC) sa Miyerkules (April 25) sa pagpapadala ng poll materials na kakailanganin para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nabatid na natapos na nitong Sabado ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga Barangay at SK aspirants.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, unang mapapadalhan ng election materials ang mga malalayong lugar habang ihuhuli na ang mga malalapit.


Aniya, ang election materials para sa ARMM ang unang ihahatid.

Nakapaloob sa election materials ang official ballots, election returns, canvassing forms, ballot boxes at indelible ink.

Facebook Comments