PAGHAHANDA | DENR, nagisyu ng maagang advisory para sa epekto ng bagyong Paeng

Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Paeng, naglabas na ng advisory ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lokal na pamahalaan sa Itogon, Benguet.

Sa budget hearing, ipinag-utos na ng DENR na magsagawa ng mas malawak na evacuation sa Barangay Ucab na apektado ngayon ng malagim na landslide.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda na na naipadala na nila sa Itogon and advisory.


Paliwanag ni Antiporda, nasa high level imminent danger ang buong barangay Ucab dahil nakita na mas humaba pa ang bitak doon.

Tiyak aniya na guguho ulit ang lupa lalo pa’t 70% ng lupa sa Benguet ay natukoy ng DENR na landslide prone area.

Dahil dito, inirekomenda na ng ahensya na magsagawa ng force evacuation sa lugar kung kinakailangan at maging sa mga kalapit na barangay.

Dagdag pa nito, kahit noong bagyong Ompong ay nakapagpadala sila ng maagang advisory sa LGU ng Benguet na nagpapa-evacuate sa mga residente dahil sa malambot na texture ng lupa at posibleng landslide na mangyari dahil sa lakas ng bagyo.

Facebook Comments