PAGHAHANDA | Manny Pacquiao, naglaro ng basketball bilang pang-condition sa gagawin nitong training

General Santos City – Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang pagko-condition nito sa kaniyang katawan para sa gagawing training sa boxing.

Naglaro si Pacquiao ng apat na game ng basketball kasama ang ilang pamilya at kaibigan sa Gen San kung saan isa ito sa mga paraan ng Pambansang Kamao para pagpawisan.

Nabatid kasi sa kampo ni Pacquiao na pagkatapos ng promotional tour, ay diretso na siya sa pagsisimula ng light training.


Sa April 17 pa babalik ang team Pacquiao sa Manila para sa pag-welcome kay Golden Boy Promotions CEO Oscar Dela Hoya habang sa April 18 gaganapin ang formal launching ng July 14 Pacquiao-Mathysse fight sa Kuala Lumpur Malaysia.

Facebook Comments