PAGHAHANDA | Marikina police nagkasa ng community anti-terrorism awareness

Marikina City – Nagsagawa ang Marikina City police ng community anti-terrorism awareness sa Tumana, Marikina.

Umabot sa 250 indibidwal mula sa ibat-ibang sektor ang nakilahok sa nasabing seminar.

Layon nitong imulat ang kaalaman at alertuhin ang mamamayan sa mga banta ng terorismo sa bansa.


Kabilang sa mga lumahok ay ang Barangay Peace Keeping Action Team, AFP Reservists, Local Force Multipliers, mga opisyal ng barangay at Marikina police.

Ayon naman kay Marikina City Police Chief Senior Superintendent Roger Quesada nais nilang itatak sa isip ng publiko kung anu-ano ang mga dapat gawin sakaling umatake ang mga terorista.

Mahalaga ayon kay Quesada na maging mulat ang publiko sa terorismo lalo na at minsan nang inatake ng Maute-ISIS terrorist group ang Marawi.


Facebook Comments