NABAWASAN | Mga basura sa Road 10 Tondo, Maynila – kakaunti na lamang

Manila, Philippines – Matapos manguna mismo si Manila Mayor Joseph Erap Estrada na hakutin ang mga basura ay kakaunti na lamang ang natitirang basura sa kahabaan ng Road 10 North Harbor Tondo Manila.

Kahapon ay pinangunahan ni Mayor Erap Estrada ang pagpala ng mga sangkaterbang mga basura sa Road 10 dahil sa reklamo ng mga residente at motorista na dumadaan sa naturang lugar.

Doble kayod ang ginagawa ngayon ng mga barangay opisyal na nakasasakop sa Road 10 Tondo Manila kaya kakaunti na lamang ang natitirang mga basura.


Panawagan ng mga motorista at residente sa Road 10 sa mga barangay opisyal na higpitan ang pagbabantay at magtalaga ng mga tanod na siyang magmamasid kung sinu-sino ang mga nagtatapon ng mga basura para hulihin at kasuhan.

Facebook Comments