Manila, Philippines – Sinimulan na ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang pag-iikot sa Metro Manila kasabay sa paggunita ng Undas.
Unang inikot ni Eleazar ang Araneta Center Terminal sa Cubao, Quezon City sunod ang Manila North Cemetery at mga himpilan ng pulisya.
Ayon kay Eleazar, tututukan nila ang 81 mga bus terminal, 59 na mga train stations, apat na paliparan at limang pantalan sa Metro Manila.
Bukod pa rito aniya sa mismong Undas kung saan aabot sa 78 sementeryo at 38 mga kolumbaryo ang kanilang babantayan.
Sabi ni Eleazar, inatasan na niya ang lahat ng mga chiefs of police at station commanders sa may 16 na lungsod at isang bayan sa Metro Manila na gawin ang dapat para sa naturang okasyon.