Alas-8 ng umaga kanina nagtaas na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa red alert status.
Ito ay bilang paghahanda sa magiging epekto ng napakalakas na bagyong Ompong na inaasahang tatama sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas inatasan na ng pamunuan ng NDRRMC ang lahat ng concerned agencies na maghanda para maipatupad ang epektibong disaster response.
Sa ngayon naka-preposition na ang mga family food packs lalo na sa hilagang Luzon kung saan inaasahan tutumbukin ng bagyong Ompong.
Sa kabila na inaasahang malakas na pagtama ng bagyo target ng NDRRMC na makamit ang zero casualty.
Kaya panawagan ng ahensya sa bawat pamilya na maging ligtas at sumunod sa mga otoridad sakaling ipatupad force evacuation.