DESTABILIZATION | PCL, nagpahayag ng buong suporta sa Duterte Administration

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang samahan ng mga city councilors sa bansa.

Ito ay sa harap ng napipintong public address ng Pangulo sa sambayanan kaugnay ng mga isyu na kinakaharap ng bansa.

Sa ginanap na ceremonial signing ng kasunduan para sa federalism advocacy, ipinahayag ni Danny Dayanghirang , national chairman ng Philippine Councilors League (PCL) na buo ang pagtitiwala sa Pangulong Duterte ng nasa 16,000 na city councilors sa bansa.


Aniya, sa bandang huli ay lilitaw ang katotohanan kaugnay sa destabilisasyon sa Administrasyong Duterte.

Naniniwala ang PCL na nasa tamang direksyon ang gobyerno na ihatid ang pagbabago sa larangan ng ekonomiya at pampulitika.

Facebook Comments