Paghahanda ng Bureau of Immigration ngayong Semana Santa, kasado na

Nakahanda na ang Bureau of Immigration sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong Semana Santa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na nagdeploy na sila ng karagdagang 155 na immigration officers sa mga paliparan sa bansa upang masiguro na may tao lahat ng kanilang mga counter para maagapayan ang mga bakasyunista.

Sa pagtataya ni Sandoval nasa mahigit 40,000 ang inaasahan nilang daily arrivals and departures sa mga paliparan ngayong peak season na magsisimula ngayong Miyerkules Santo.


Bunsod nito, nagpatupad na ang BI ng “No leave Policy” ngayong Holy Week.

Tiniyak din ni Sandoval na mahigpit silang naka-monitor kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa kalagayan ng mga paliparan ngayon Semana Santa.

Facebook Comments