Paghahanda ng COMELEC para sa Barangay at SK elections sa Marawi, naapektuhan ng nagpapatuloy na bakbakan

Marawi City – May epekto ang nagaganap na bakbakan sa Marawi City sa paghahanda ng komisyon sa nalalapit na Barangay at SK elections sa buwan ng Oktubre.

Kamakailan bumisita si COMELEC Chairman Andres Bautista sa Lanao Del Sur kung saan 112 COMELEC field officials ang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga bahay at opisina dahil sa nagpapatuloy na bakbakan.

Ayon kay Bautista, maaaring ituloy ang election sa ibang bahagi ng bansa sa Oktubre pero maaaring ipagpaliban ang eleksyon sa Lanao Del Sur pati na sa ibang lugar na imposibleng magdaos ng eleksyon.


Ksama sa kanilang ikinokonsidera ay ang payo ng militar at PNP sa lagay ng seguridad sa ilang lugar sa bansa.

Sa ilalim ng secretary 5 ng Omnibus Election Code may kapangyarihan ang COMELEC na iutos ang pagpapaliban sa pagdaraos ng eleksyon kung imposible magdaos ng malaya tapat at maayos na botohan dahil sa nagaganap na karahasan.

Facebook Comments