*Cauayan City, Isabela-* Nasa 80 porsyento na ang paghahanda ngayon ng Lungsod ng Cauayan para sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2019.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Roderick Gamaru, Batted Ball Coordinator ng Cauayan City Sports Development Office sa RMN Cauayan kung saan abala ngayon ang kanilang tanggapan sa mga kasalukuyang sports tournament gaya ng Volleyball, Basketball, Softball, Baseball, Football at Arnis sa pangunguna ni ginoong Jonathan Medrano.
kaugnay nito ay nakatakdang magtagisan ngayong araw sa larong Basketball ang OLPCC at Isabela Colleges para sa Inter School Game 1 Championship Tournament.
Ayon pa kay ginoong Gamaru, Aktibo ang lahat ng mga kalahok kasama ang kanilang mga nakasuportang magulang maging ang mga nasa Out of School Youth.
Bahagi narin aniya ng kanilang mga isinasagawang Sports Tournament para sa paghahanda ng mga manlalaro sa CAVRAA Meet 2019 na gaganapin sa City of Ilagan, Isabela.
Samantala, nakapag-uwi naman ng 19 gintong medalya ang mga kalahok ng Cauayan Taekwondo team sa Taekwondo Philippine Open na ginanap sa Pampanga noong Nov. 10, 2018.