MANILA – Ilang araw bago ang pista ng itim na Nazareno kasado na ang paghahanda ng mga concern agencies para sa traslasyon ngayong taon.Sa press conference sa Quaipo church sa Maynila, opisyal nang idineklara ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang holiday sa buong lungsod ng Maynila bilang pakiki-isa sa pista ng itim na Nazareno.Nakaantabay din aniya ang manila Health Department at Department of Public Service ng lungsod upang umagapay sa mga deboto.Habang tiniyak naman ni MMDA Chairman Tim Orbos na kasado na ang deployment ng higit sa 1,000 MMDA personnel na tutulong sa traffic re-routing, crowd control at deployment ng marshals, lalo na sa mga tulay na dadaanan ng andas.Naka-active na rin ang response cluster ng National Risk Reduction and Management Council para sa “oplan itm na Nazareno”.Kaugnay naman sa usapin ng seguridad sa pista, inihayag ni NCRPO Dir. Chief Supt. Oscar Albayalde na suspendido na ang lahat ng permit to carry firearms sa lungsod ng Maynila.Pinayuhan din nito ang mga deboto na huwag ng magdala ng anumang mamahaling gamit upang hindi mawala habang kukumpiskahin naman ang mga dadalhnin backpacks.
Paghahanda Ng Mga Concern Agencies Para Sa Pista Ng Itim Na Nazareno, Handang Handa Na Suspensyon Sa Permit To Carry Fi
Facebook Comments